^

Metro

P4.5 milyong marijuana nasamsam, ‘tulak’ tiklo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P4.5 milyong halaga ng  high grade marijuana ang nasabat ng mga awtoridad kasabay ng pagkakaaresto sa bigtime ‘tulak’ sa operasyon ng  Police National Police - Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa  Baguio City.

Sa report na tinanggap ni PDEG chief   Brig. Gen. Eleazar Matta, naaresto ang 20-anyos na suspek bandang  alas-2:30 ng hapon sa Brgy. Burnham-Legarda-Kisad, Baguio City.

Nakuha sa suspek ang package na naglalaman ng pinatuyong high-grade marijuana (Kush) na nasa tatlong kilo.

Sinabi ni Matta na ang matagumpay na operas­yon ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan para sa seguridad ng bawat komunidad.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Special ­Operation Unit ng Cordil­lera Administrative Region (SOU CAR) PNP-DEG  ang suspek habang nasa pangangalaga na ng  Regional Forensic Unit CAR, Camp Major Bado ­Dangwa, La Trinidad, Benguet na nasamsam na marijuana.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with