SUV inararo plastic barrier sa Guadalupe Bridge, nagliyab

Nabatid na alas-4 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Guadalupe Bridge.
Google Maps

MANILA, Philippines — Nagliyab ang isang SUV matapos araruhin ang concrete at plastic barrier at sumampa sa center island ng Guadalupe Bridge, sa Makati City, Biyernes ng mada­ling araw.

Wala namang tinamong pinsala ang 41-anyos na lalaking driver ng SUV.

Nabatid na alas-4 ng madaling araw kahapon nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Guadalupe Bridge.

Depensa ng driver, iniwasan niyang masagi ang sinusundang kotse kaya kinabig niya pakanan ang manibela at aksidenteng nasagasaan ang mga barrier.

Nawasak ang harapang bahagi ng sasakyan hanggang sa tuluyang magliyab.

May ilang mga tauhan ng barangay ang tumulong upang maa­pula ang apoy bago pa dumating ang Bureau of Fire Protection-Makati.

Nagdulot ng pagsisikip ng trapiko ang insidente na nagtagal ng halos isang oras bago tuluyang mahatak.

Show comments