MANILA, Philippines — Inihayag ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai na sisimulan na ang pagtatayo ng “Navotas Homes 5 Phase 2” sa barangay Tanza, Navotas City.
Ayon kay Tai, nasa 180 ang unang benepisyaryo sa lungsod ng 3 low-rise buildings sa nasabing barangay na ang bawat unit ay may sukat na 24 sqm at kumpleto na sa mga pasilldad.
Kasama ring itatayo sa lugar ang isang community center, tricycle terminal at police station.
Ang proyektong pabahay ay bahagi ng komprehensibong plano ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng kalidad na tahanan ang natitirang 6,500 na informal settler families na nakatira sa mga panganib na lugar tulad ng mga daluyan ng tubig.
Nasa 24 na low-rise buildings ang itatayo sa Navotas na pakikinabangan ng 1,440 na pamilya.