African, timbog sa higit P42 milyong shabu sa NAIA

Ayon kay PDEG Director Police Brig Gen. Eleazar Matta, alas-9:20 ng gabi nitong Sabado nang magsagawa ng interdiction operation ang mga operatiba ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), na kinabibilangan ng Intelligence Foreign and Liaison Division kasama ang PDEG, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
STAR/File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang South African national matapos makuhanan ng mahigit P42 milyon halaga ng shabu sa isinagawang interdiction operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Customs International Arrival Area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PDEG Director Police Brig Gen. Eleazar Matta, alas-9:20 ng gabi nitong Sabado nang magsagawa ng interdiction operation ang mga operatiba ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG), na kinabibilangan ng Intelligence Foreign and Liaison Division kasama ang PDEG, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

Hinarang ang 31-anyos na lala­king South African national matapos makitaan sa loob ng kanyang itim na luggage ng isang transparent plastic pouch na binalutan ng itim na packaging tape.

Tumambad sa mga awtoridad ang pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng 6.2 kilo na tinatayang may kabuuang halagang P42,160,000.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 4 ng Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments