^

Metro

May-ari ng sasakyan, pinatawag ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
May-ari ng sasakyan, pinatawag ng LTO
Ayon kay LTO Chief Vigor D. Mendoza, nakatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa MMDA laban sa driver ng Hyundai Tucson na may plakang ZMM 842 hinggil sa ginawang paglabag sa batas trapiko.
Philstar.com / Irish Lising, file

Sa illegal U-turn sa EDSA

MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang registered owner ng isang sports utility vehicle (SUV) na nag-viral sa social media nang magsagawa nang illegal U-turn sa EDSA-Aurora underpass sa Quezon City.

Ayon kay LTO Chief Vigor D. Mendoza, nakatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa MMDA laban sa driver ng Hyundai Tucson na may plakang ZMM 842 hinggil sa ginawang paglabag sa batas trapiko.

Aniya iniimbestigahan na ng LTO ang naturang insidente. Sa ipinalabas na show cause order ni LTO-Intelligence and Investigation Division head Renate Militante inatasan nito ang registered owner ng sasakyan na mula Makati City na pumunta sa LTO sa Oct. 14, lunes para magpaliwanag sa naganap na insidente.

Oras na mapatunayang nagkasala, ang driver ay maaaring maharap sa kasong Reckless Driving (Sec. 48 of Republic Act (RA) 4136) at Obstruction of Traffic (Sec. 54 of RA 4136).

Ang registered owner ng naturang sasakyan ay nakaalarma na sa LTO.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with