Driver na nag-park sa bicycle lane, sinubpoena ng LTO
MANILA, Philippines — Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang may-ari ng Toyota Vios na nag viral sa social media na nakitang nakaparada sa isang bicycle lane.
Sa show cause order(SCO) na pinirmahan ni LTO Intelligence and investigation Division Head Renante Militante, nais malaman ng ahensiya kung ang may-ari ng Toyota Vios na may plakang DAM 3820 ay siya ring nagmaneho ng sasakyan upang gamiting parking ng sasakyan ang bicycle lane.
“Ito po ay pambabastos sa ating mga kasamahan sa bicycle rider community at nagpapakita ng kawalan ng disiplina. ‘Yung paninindigan mo pa ang maling gawain ay talagang abusado na yun,” ani LTO Chief Vigor Mendoza.
Sa August 27, araw ng martes, ala-1 ng hapon pinapupunta ng LTO ang may-ari ng naturang sasakyan upang magpaliwanag kaugnay nang insidente.
“Failure to appear and submit the written comment/explanation as required shall be construed by this Office as a waiver of your right to be heard, and the case shall be decided based on the evidence at hand,” nakasaad sa naturang SCO.
- Latest