^

Metro

MMDA: ‘All Systems Go’ na sa Philippine Olympians Homecoming Parade

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handang-handa na sila para sa pagdaraos ng homecoming parade para sa 2024 Paris Olympics medalists at athletes na isasagawa ngayong Miyerkules.

Ayon sa MMDA, magde-deploy sila ng kabuuang 300 personnel para sa aktibidad, kabilang na ang mga traffic enforcers at street sweepers na siyang titiyak sa kaayusan at kalinisan sa parada.

Nabatid na magsisimula ang parada ganap na alas-3:00 ng hapon sa Aliw Theater at magtatapos sa Rizal Memorial Sports Complex, kung saan idaraos ang isang maikling programa na libre at bukas sa publiko.

Sa inilabas na ruta ng parada, nabatid na ito ay daraan sa V. Sotto (Aliw Theater); kakaliwa sa Roxas Blvd.; kakanan sa P. Burgos Avenue; didiretso sa Finance Road; kakanan sa Taft Ave.; kakanan sa Pres. Quirino Ave.; kakaliwa sa Adriatico St.; kakanan sa Mendiola St. at kakaliwa sa Rizal Memorial Sports Complex.

Anang MMDA, magpapatupad sila ng stop-and-go scheme sa mga intersection na daraanan ng parada.

Kaugnay nito, siniguro ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na bibigyan nila ng sapat na panahon ang publiko upang makita ang mga Olympic medalists na sina Carlos Yulo, Nesthy Petecio, at Aira Villegas, gayundin ang iba pang Olympic athletes, sa naturang homecoming parade.

Ang float aniya na siyang sasakyan ng mga Philippine Olympians ay mayroon ring mga rain cover, sakaling bumuhos ang ulan.

Ang homecoming parade component ay kinabibilangan ng MMDA motorcycle units, PNP, MMDA Band, media, ambulance, at mga atleta na sasakay sa isang elevated flatbed vehicle.

“Strictly no other vehicles will be allowed with the parade group,” anang MMDA.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with