Fetus itinapon sa comfort room sa NAIA
MANILA, Philippines — Isang fetus ang natuklasan sa east departure restroom ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, Pasay City.
Ayon sa mga paunang ulat, ang isang janitress na nagsasagawa ng regular na pangongolekta ng basura sa isa sa mga babaeng banyo sa paliparan ang nakatuklas sa insidente.
Ipinagbigay alam ito sa mga miyembro ng MIAA Airport Police Department (MIAA-APD) at MIAA Medical Team.
Kinumpirma ng MIAA Medical Team, sa pangunguna ni Dr. Donita Arnesto, na ang laman ng napkin tissue na nabahiran ng dugo ay isang buwang gulang na fetus.
Samantala, nagsasagawa ng joint investigation ang NAIA Police Station 1, Airport Police Department, at Sub Station 8 para mas matukoy ang kinaroroonan ng ina ng fetus.
- Latest