Chinese na ‘overstaying’ arestado sa BI
MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes ang isang Chinese dahil sa overstaying.
Ang suspect ay kinilalang si Liu Yuhang, 32, na inaresto ng mga operatiba ng intelligence division (ID) ng BI dahil sa pagiging undesirability at sa pagiging overstaying alien.
Hinuli si Liu sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame, Quezon City.
Matatandaang nauna nang naging headline si Liu matapos itong arestuhin ng CIDG sa Makati City noong Mayo dahil sa pagkakaroon ng mga baril at hinihinalang hacking equipment. Ang pagtuklas ng naturang kagamitan ay nagdulot ng malaking alalahanin tungkol sa mga potensyal na banta sa seguridad.
Ibinahagi ni BI ID chief Fortunato Manahan, Jr. na si Liu ay na-tag bilang isang hindi kanais-nais na dayuhan, at napag-alamang overstaying. Naiulat na dumating si Liu noong Hulyo 2018, at ang kanyang visa ay na-update lamang hanggang Agosto 2022.
Nagbabala si Tansingco sa mga ilegal na dayuhan na pinalakas ng BI ang kanilang koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies. “Ang mga dayuhang mamamayan na nagbabanta sa seguridad ay dapat arestuhin at i-deport,” sabi niya.
Mananatili si Liu sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang deportation proceedings.
- Latest