^

Metro

‘Klinika Eastwood’ binuksan na ng Quezon City-LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuksan na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang “Klinika Eastwood” na magbibigay ng komprehensibong HIV at STI testing, counseling, treatment services, at iba pa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, bahagi ito ng pagdiriwang ng Pride Month.

Mismong si Belmonte ang nanguna sa inagurasyon ng unang Private-Public Partnership (PPP) sa bansa na nagtatatag ng naturang pasilidad katuwang ang Megaworld Management, Philippine National AIDS Council at Department of Health (DOH).

“Mahalagang makapaglagay tayo ng dagdag na HIV primary care clinic/treatment hub na madaling puntahan ng QCitizens, mga nagtutungo sa mall, mga residente sa Eastwood at mga karatig barangay,” pahayag ni Belmonte.

Sa kasalukuyan, mayroon na ang Quezon City na HIV primary care clinic sa limang distrito habang pinagsusumikapan ang isa pa na itayo sa District 6.

“Mahalaga ang ganitong mga klinika, lalo pa’t mataas ang kaso ng HIV at iba pang sexually transmitted infections sa ating bansa. Natutugunan nito ang malaking hamon ukol sa kanilang pangangailangang medikal,” pahayag ni Belmonte.

”I would also like to acknowledge and express gratitude to Megaworld Management for joining our advocacy to promote an inclusive environment that will promote the wellness of every individual, without them experiencing stigma and discrimination,” dagdag ni Belmonte.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with