^

Metro

DILG, pinaaaresto ang mangingikil sa mga truckers

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
DILG, pinaaaresto ang mangingikil sa mga truckers
Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos holds a meeting with the Confederation of Truckers Association of the Philippines and other government officials to discuss the issues on the extortion of money from trucker groups in Camp Crame on February 14, 2024.
STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinaaaresto ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang sinumang indibidwal na masasangkot sa  pangingikil sa truck drivers.

Ang kautusan ni  Abalos  ay kasunod ng  ginawang pakikipagpulong at paghingi ng saklolo ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) na madalas na biktima ng  pangingikil.

Ayon kay Abalos, ipinapatupad ang Executive Order No. 41 na nagbabawal sa paniningil ng pass-through fees sa national roads kaya walang dahilan ang mga traffic personel na manghingi o mangikil sa mga truckers.

Nakasaad din sa  EO na ipatupad ang suspensiyon sa pagkolekta ng anumang uri ng fees para sa lahat ng klase ng mga sasakyang nagdadala ng goods alinsunod sa Section 153 o 155 ng Republic Act no. 7160.

Nabatid kay Abalos na may ilang mga lokal na pamahalaan sa NCR ang nagbabawal sa mga truck na dumaan sa national road kayat umapela si MMDA Chairman Romando Artes sa mga LGU na payagan na malayang makabiyahe ang mga sasakyang nagdadala ng mga goods.

Sinabi ni Abalos na hindi kailangan na pahirapan ang mga truckers kung mismong ang Malakanyang ang may kautusan ng suspensiyon.

Dagdag pa ni Abalos na mas nagiging dahilan ng pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan ang pagdaan sa mga secondary road ng mga malalaking truck. Sa katunayan may ilang mga kalsada rin ang masikip at hindi madaanan ng mga truck.

BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with