MANILA, Philippines — Makaraan ang limang linggong sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo, may pagbaba naman na inaasahan sa susunod na linggo.
Batay sa apat na araw na oil trading, bababa sa susunod na linggo ang halaga ng gasolina na P1 hanggang P1.20 kada litro, habang 40 centavos hanggang 60 centavos kada litro ang posibleng ibaba sa presyo ng diesel at 45 centavos hanggang 65 centavos ang rollback sa halaga ng kerosene kada litro.
Ang oil price adjustment ay karaniwang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.