P160 milyong smuggled cigarettes, nasabat

Pinigil ng mga tauhan ng Phil. Navy ang isang motor boat na naglalaman ng may P160 milyong halaga ng smuggled cigarettes base na rin sa ibinigay na impormasyon ng Bureau of Customs’ (BOC) Intelligence Group (IG) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) noong nakalipas na Miyerkules.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang motor boat na nag­lalaman ng may P160 mil­yong halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Phil. Navy (PN) matapos ang impormasyon buhat sa Bureau of Customs’ (BOC) Intelligence Group (IG) at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Zamboanga noong nakalipas na Miyerkules.

Nasa kustodya na ng Navy, katuwang ang mga elemento ng PC390, ang M/B Indah Nadz na may lulang 12 crew, sa bisinidad ng Baturapac Island sa Tandubas, Tawi Tawi.

Sa inspeksiyon, natuklasan ng grupo ang may 2,798 master cases ng Oakley Original Cigarettes.

“The team intercepted and inspected the said vessel loaded with master cases of assorted brands of smuggled cigarettes after receiving information from our IG and CIIS Zamboanga,” ani Customs Commissioner Bien Rubio kung saan pinuri nito ang Intelligence Group ng ahensiya dahil sa mabilis na pag-aksiyon at proactive response sa mga ulat na kanilang natatanggap.

Sinabi naman ni Intelligence Group Deputy Commissioner Juvymax Uy na ang final inventory ng mga naturang goods at sa motor boat ay isinagawa ng araw ding iyon ng Customs Inventory Team.

Nabatid na hindi inaasahan ng grupo na makakadiskubre ng mga smuggled cigarettes dahil batay sa impormasyong kanilang natanggap, naglalaman ang motor boat ng mga smuggled fuel.

“But this was not the case,” ani Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso, “because it became immediately clear to our agents that the boat was carrying what could be smuggled cigarettes if the owner fails to present the proper documents.”

Nakipag-ugnayan naman agad ang CIIS-Field Station sa Zamboanga sa BOC Tawi-Tawi personnel at Office of the District Collector upang bantayan ang motor boat hanggang sa masimulan ang imbentaryo.

Ineskortan na rin ang motor boat ng Navy at ng mga elemento ng PC390 sa Bongao Pier.

Show comments