^

Metro

Travel agency pinadlock ng DMW sa ‘illegal recruitment’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinasara ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang travel at consultancy agency sa Quezon City dahil sa illegal recruitment ng mga overseas Filipino worker (OFW) patungo sa ibang bansa.

Personal na tinungo ni  DMW Sec. Toots Ople ang opisina ng OVM Visa Assistance Travel and Consultancy Agency sa Aguinaldo St., Brgy. Pasong Tamo Veterans Village ng nasabing lungsod para isilbi ang bitbit na closure order.

Ito ay makaraang ireklamo sa Kalihim ng isang aplikante na pinangakuan umano ng nasabing agency na makakapagtrabaho sa isang hotel sa Poland pero matapos na magbayad ng P400,000 noong Disyembre, 2022 ay panay pangako na lamang umano ang agency at hindi pa rin nakakaalis para magtrabaho sa abroad.

Sinasabing inabot pa ng ilang buwan ay hindi pa nakaalis ang biktima na naging dahilan para siya ay lumapit na sa DMW.

Agad  namang nagsagawa ng surveillance at im­bestigasyon ang DMW at  doon nadiskubre na nagsasagawa nga ang agency ng recruitment kung saan isang malinaw na paglabag.

Dahil walang sapat na lisensya ang agency ay agad na isinara ng DMW ang kompanya at sinabi ni Secretary Ople na ipaghaharap ito ng kasong illegal recruitment. - Mer LaysoN

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with