^

Metro

Ina nadiskubreng patay ang anak, dahil sa alarma ng cellphone

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bunga ng pangungulit ng alarma sa cellphone ng isang 26-anyos na lalaki, nadiskubre ng kaniyang ina na wala na itong buhay sa loob ng silid, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/SSg Zoilo Nazario, Homicide investigator ng  Manila Police District  ang biktimang si Zyrus Abejo, empleyado at residente ng Sampaloc,Maynila.

Sa salaysay ng inang si Jasmin Abejo, dakong alas-5:00 ng umaga, habang siya ay nagluluto ay naririnig niya ang walang tigil na alarma sa celphone ng biktima kaya naisipang silipin  sa kaniyang kuwarto upang alamin kung bakit hindi pa gumigising ang anak at pahintuin ang alarma.

Nagulat siya nang makitang nakahiga at hindi na kumikilos ang anak na agad niyang ini-report sa kanilang barangay.

Huli umano niyang nakitang buhay anak nang matulog ito bandang alas-10:00 ng gabi.

Inaalam pa ang sanhi ng kamatayan ng biktima.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with