^

Metro

‘Doctor on boats’ sa Ondoy binuhay kay Ulysses

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling naglayag ang mga bangka ng programang ‘Doctor on Boats’ ng Philippine Medical Association (PMA) para magbigay ng medical at relief assistance sa mga residente ng Marikina na matinding nasalanta sa paghagupit ng bagyong Ulysses.

Sinabi ni PMA president Benito Atienza na nitong Sabado (Nob. 14) nang sinimulan nila ang medical at relief operations sa Marikina.

“In our succee­ding land and sea-based medical and relief operations, we will be going to Rizal and Cagayan Valley,” ani Atienza.

Aniya, una nang binuhay ng PMA ang nasabing programa upang makapasok sa mga lubog na binaha ng mga barangay at makapaghatid ng mga serbisyong medikal pati na rin ang mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol Region at kasunod nito ang  Tumana Marikina na nakapagbigay-tulong na sa 430 pamilya.

Namahagi ang mga doktor ng iba’t ibang uri ng gamot, bitamin at relief goods sa evacuation center.

Kabilang din sa misyon ng grupo ang pagpa-alala sa mga tao na ipatupad ang social distancing at minimum health stan­dards dahil may average na 15 pamilya ang ina-accomodate sa isang silid aralan sa public school na ginawang evacuation center.

Karaniwan na karamdaman ng evacuees ay mild cases ng ubo, sipon at gastrointestinal problems.

Pinasalamatan naman sila ni Tumana Barangay Chairman Ziffried Ancheta na nagsabing “ang mga anghel ay lumapag upang magbigay ng kinakailangang mga solusyon at gamot para sa kapwa pisikal at emosyonal na karamdaman ng ­ating mga residente.”

Plano rin ng grupo na  bisitahin ang Barangay Kasiglahan, Montalban, Rizal at Cagayan Valley, kung saan 80 porsyento ng lugar ang binaha.

Ang programa ng PMA na ‘Doctor on Boats’  ay nagsimula noong 2009 bilang tugon sa matinding pinsalang dala ng bagyong Ondoy at target din ang iba pang lugar sa bansa na apektado ng mga bagyo subalit hindi maabot ng land transport.

BAGYO

PHILIPPINE MEDICAL ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with