^

Metro

Sariwang gulay, ipinamahagi sa Parañaque

Pilipino Star Ngayon
Sariwang gulay, ipinamahagi sa Parañaque
Matapos pakyawin ang mga gulay, sinimulan ni Mayor Edwin Olivarez ang pamamahagi ng sari-saring gulay, bigas at mga delata na nakapaloob sa family food pack sa may halos dalawang libong household sa lungsod.
STAR/ File

PARAÑAQUE, Philippines — Pinasalamatan ng mga vegetable cooperatives mula sa probinsya ng Batangas ang lungsod ng Parañaque sa pagbili nito ng kanilang mga aning gulay para libreng ipinama­hagi sa pamilyang apektado sa patuloy na enhanced community quarantine.

Matapos pakyawin ang mga gulay, sinimulan ni Mayor Edwin Olivarez ang pamamahagi ng sari-saring gulay, bigas at mga delata na nakapaloob sa family food pack sa may halos dalawang libong household sa lungsod.

“Hindi lang dapat puro can goods ang kinakain ng mga tao ngayong panahon ng crisis dapat healthy diet din para malakas ang resistensiya para maiwasan ang COVID-19 virus,” ayon kay Olivarez.

Kasama sa mga bini­ling gulay sa Batangas ay ay sariwang sitaw, talong amplaya at kalabasa at ito ay pangatlong bugso ng fa­mily food pack, inihayag ni City Treasurer Dr. Anthony Pulmano.

Ayon kay Pulmano, naglaan din ang lungsod ng pondo para naman bumili ng 100,000 kilos na asukal para ipamahagi rin sa mga mahihirap na pamilya sa lungsod sa isang linggo para sa ikaapat na bugso ng family food pack.

Hinihikayat din ni Pulmano ang mga residente na magtanim ng mga gulay sa kani-kanilang mga bakuran habang ang lungsod ay isinasailalim sa ECQ at maging sa pagtatapos nito.

ANTHONY PULMANO

EDWIN OLIVARES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with