^

Metro

Diskriminasyon vs frontliners, OFWs, COVID patients bawal sa Navotas

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Diskriminasyon vs frontliners, OFWs, COVID patients bawal sa Navotas
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-16 ay pagpuwersa, libelo, cyberlibel, paninirang-puri, pisikal na pang-aabuso, at paglabag sa kontrata tulad ng upa o pagtanggal ng trabaho sa mga nabanggit na indibidwal.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inihayag ng Navotas City na ipinagbawal na ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa mga health care workers, Overseas Filipino Workers, at pasyenteng maaari o positibong may COVID-19 o gumaling na rito.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng City Ordinance No. 2020-16 ay  pagpuwersa, libelo, cyberlibel, paninirang-puri, pisikal na pang-aabuso, at paglabag sa kontrata tulad ng upa o pagtanggal ng trabaho sa mga nabanggit na indibidwal.

Ipinagbabawal din ng ordinansa ang pagtanggi ng access sa mga pampublikong programa o serbisyo na karaniwang ibinibigay sa publiko, at ang hindi pagpapapasok, pagpapaalis o pagbibigay ng mas mababang kalidad ng serbisyo ng mga establisimiyentong residensyal, komersyal o medical.

Dagdag pa rito, pinarurusahan din ng ordinansa ang pagtanggi sa access o sa paggamit ng pribado o pampublikong establisimento, pasilidad, utilities, o serbisyong pang-transportasyon na karaniwang inihahandog sa publiko.

Ang mga lalabag dito ay maaaring patawan ng P1,000 multa o 1-30 araw na pagkabilanggo para sa unang paglabag, P3,000 multa o 1-30 araw na pagkabilanggo para sa ikalawang paglabag, at P5,000 multa o 1-30 araw na pagkabilanggo para sa ikatlong paglabag.

Sakaling menor de edad ang lumabag, ang mga magulang o guardian niya ang magbabayad ng penalty.

DISKRIMINASYON

FRONTLINERS

HEALTH WORKERS

OFW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with