Solid Waste Collection task force binuo ni Mayor Joy B

Sa ipinalabas ni Mayor Belmonte na Executive Order no. 3 series of 2019, sinabi nitong kailangan ang pagbuo sa team upang matiyak ang pagpapatupad ng solid waste collection, cleaning, at disposal sa lunsod.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Upang magkaroon ng isang komprehensibo at  maayos na  Solid Waste Collection plan, binuo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Task Force on Solid Waste Collection, Cleaning, and Disposal Services Management.

Sa ipinalabas ni Mayor Belmonte na Executive Order no. 3 series of 2019, sinabi nitong kailangan ang pagbuo sa  team upang matiyak ang pagpapatupad ng  solid waste collection, cleaning, at disposal sa lunsod.

Ang task force  ang siyang mangangasiwa sa collection at transport ng  solid wastes gayundin ang  collection maintenance at continuity sa lunsod.

Makikipag-ugnayan din ang grupo sa national agencies at barangays para sa implementyasyon ng solid waste collection and manage­ment at magrerekomenda ng service providers para sa disposal services  sa lunsod.

Ang Secretary to the Ma­yor ang chairman ng Task Force on Solid Waste Collection at vice chairperson ng Environment Protection and Waste Management Department.

Show comments