Condo unit ni Toni Rose Gayda sa Mandaluyong nilooban

MANILA, Philippines – Pinasok ng mga magnanakaw ang condomminium unit ng dating Eat Bulaga host Tony Rose Gayda sa lungsod ng Mandaluyong.

Bukod kay Gayda, nilooban din ang unit ng kanyang kapitbahay na si Annelle Monroy na nawalan ng bag na may lamang $100 at P5,000 at cellular phone.

Mas malaki naman ang nawala sa dating host na bukod sa P50,000 cash ay natangay din ang bag na may dalawang passbook, ATM cards, credit cards, checkbook at mga susi.  

Base sa pangunang imbestigasyon, sa sliding window dumaan ang mga magnanakaw.

Pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang fingerprints na nakuha sa crimescene.

 

Show comments