Binata itinumba ng tandem

MANILA, Philippines – Patay ang isang 18 -anyos na binata makaraang pagba­barilin ng riding-in-tandem sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima ay nakilalang si Michael Rabe, walang trabaho ng De Gloria Ext., Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo matapos ang krimen.

Ayon kay PO2 George Caculba, nangyari ang insidente sa may De Gloria Extension, malapit sa bahay ng biktima ganap na alas-7:15 ng gabi.

Ayon sa mga residente, kasalukuyang naglalaro ng bilyar ang biktima nang du­mating ang mga suspect sakay ng motorsiklo.

Matapos ito, bigla na lang pinagbabaril ng mga suspect ang biktima na agad na ikina­matay nito, saka mabilis na nagsipagtakas.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments