MANILA, Philippines – Pito sa 16 na pugante na lamang ang pinaghahahanap ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) matapos maibalik sa selda ang mga tumakas na preso sa Cubao police station.
Nasakote nang muli ng QCPD sina Robert Lacaba, Benedict Guinto, Rigor Alenjandrino, Thomas Evan Labutong, John Patrick Dionido, Emerson Castro, Miguel Glino, Dennis Natividad, at Roberto Valdez.
Tumakas ang mga preso nitong bisperas ng bagong taon sa Police Station 7 (PS-7) sa Cubao,Quezon City.
Sinibak na sa puwesto si PS-7 commander Police Superintendent Wilson Delos Santos dahil sa insidente.