8 sugatan sa sunog

MANILA, Philippines - Walong construction workers ang nasugatan matapos ma-suffocate sa kapal ng usok mula sa nasusunog na gusali kahapon ng umaga sa Bonifacio Global City (BGC), Taguig City.

Ayon kay P/Chief Ins­pector  Honito Maslang, officer-in-charge Fire Marshall ng Taguig City Fire Station, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima na kaagad na isinugod sa pagamutan. Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga bitkima sa ginagawang 30-palapag na gusali ng DEISI Company, ang One World Place sa 32nd Street.

Nagsimula ang sunog  bandang alas-9  ng uma­ga sa basement 3 ng  stockroom ng gusali.??

Mula sa ikalawang alarma, tumaas sa ikatlong alarma ang sunog kung saan idineklarang fire-out  bandang ala-una ng hapon.

Show comments