MANILA, Philippines – Nagdulot nang matinding tensyon at pagsisikip sa daloy ng trapiko ang inabandonang tool case na inakalang bomba sa harapan ng isang convenience store, kahapon ng umaga sa Makati City.
Ayon kay Chief Inspector Lebrito Buisan, commanding officer ng Bomb Squad, Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit ng Makati City Police, alas-11:11 kahapon ng umaga nang makatanggap sila ng tawag hinggil sa kahina-hinalang bagahe na naglalaman umano ng isang uri nang pampasabog sa harapan ng convenience store na matatagpuan sa panulukan ng Paseo de Roxas at Makati Avenue ng naturang lungsod dahilan upang kaagad na magresponde ang mga pulis sa naturang lugar at kaagad nila itong kinordonan para sa safety measure.
Dito ay dahan-dahang binuksan ng mga pulis ang bagahe na attache case type kung saan negatibo ito sa anumang uri ng bomba kundi mga gamit lamang marahil ng isang electrician ang nakuha.