^

Metro

Sa nabalam na allowance mga guro, lumusob sa QC hall

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Daang mga guro na kasapi ng Quezon City Public School Teachers Association ang lumusob sa harap ng city hall para kondenahin ang anila’y  3 buwang allowance  na hindi na naibigay sa kanila ng lokal na pamahalaan.

Hindi pa man nagtatagal sa kanilang protesta ay personal  na silang hinarap ni City Administrator Aldrin Cuña at  mismong sinabi nito sa mga guro na matatanggap naman nila ang kanilang allowance kasabay nang pagsasabing nagkaroon lamang ng delay dahil sa pagpapalit nila ng banko kayat nag-iba ang sistema sa paglalabas ng pondo.

Nabatid na umaabot sa P2,400 ang monthly allowance ng mga public school teachers sa lungsod.

Nilinaw pa ng  city administrator na dati ay sa Land Bank kinukuha ng mga guro ang kanilang allowance mula sa city hall subalit  sa ngayon ay sa Globe BPI na lang, dahilan kayat nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng issuance ng pondo.

Sa kanilang panig, sinabi ni Luzviminda de Vera, board of division ng QC Public School Teacher Association, handa naman silang maghintay basta’t may aasahan lamang sila bago mag-Pasko.

Sinasabing noong una ay  pinagbawalan ng COA na bigyan ng allowance ng QC government ang mga public school teachers  kaya gumawa ng ordinansa ang lokal na pamahalaan kaya napaglaanan ng allowance ang naturang mga guro.

 

ALLOWANCE

CITY ADMINISTRATOR ALDRIN CU

DAANG

LAND BANK

LUZVIMINDA

PUBLIC SCHOOL TEACHER ASSOCIATION

QUEZON CITY PUBLIC SCHOOL TEACHERS ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with