MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na mall sa Binondo, Maynila kung saan tinatayang mahigit P122 milyon halaga ng pekeng Chanel at Burberry products ang nakumpiska kahapon ng tanghali.
Ayon sa ulat, ang ginawang pagsalakay ay bunsod sa reklamo ng isang See Hock Heng, kung saan ibinebenta umano ang nasabing mga produkto sa 168 Shopping Mall; 999 Shopping Mall Lucky China Town Mall; 1118 Shopping Mall at City Square Shopping Mall.
Ginawa ang pagsalakay matapos na maglabas ng search warrant si Acting Presiding Judge Lyliha Abella-Aquino ng RTC Branch 24, Manila.
Aabot sa 2,279 pirasong mga produkto ng Chanel at Burberry products ang nakumpiska ng NBI sa mga nasabing malls na nagkakahalaga ng P122,390,000.