MANILA, Philippines - Arestado ang tatlo sa apat na hinihinalang miyembro ng ‘Akyat Bahay gang’ matapos na pasukin ang bahay ng dalawang dealer ng dyaryo at limasin ang mga kagamitan at pera ng mga ito sa Brgy. Tatalon, lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police District Station 11, nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Joey Salvador, 25; Daryl Alonzo, 26; Kenneth Salvador 29; pawang mga residente sa Barangay Tatalon.
PinagÂhahanap naman ang isa pang suspek na si Jomar Salvador.
Ayon kay PO3 Edel Canaveral ng PS3, bukod sa pagnanakaw isa sa mga suspek ay nangmolestiya pa ng 18-anyos na dalagang kasambahay ng mga bikÂtimang sina Regina SibaÂyan, 26, at Calvin Corro, 32, kapwa dealer ng diyaryo.
Nadakip ang mga suspek sa ginawang follow-up operation ng tropa ng Station Investigation Division ng PS3 at barangay tanod makaraang pasukin ang bahay ng mga biktima.
Nangyari ang pagnaÂnakaw sa Brgy. Tatalon, ganap na alas-3 Martes ng madaÂling-araw.
Sinabi ng pulisya, taÂnging ang katulong ng mga biktima ang nasa bahay ng maganap ang panloloob.
Nagawang makapasok ng mga suspek sa bahay sa pamamagitan ng pagsira sa main door nito kung saan sinimulan ang paglimas sa mga gamit tulad ng Fukuda TV 24 inches P3,000; isang HanaÂbishi microwave, isang Fukuda DVD player P800; isang tablet computer P3,400; isang Nokia phone P8,700; at P23,000 cash.
Nang makuha ang pakay ay saka nagpasyang umalis ang mga suspek, subalit hindi naman nakuntento ang suspek na si Kenneth at minolestiya pa ang kasambahay, bago magsipagtakas.
Sa follow-up operation nadakip ang mga suspect.