Mga Senador at Kongresista unang nagharap Season 2 ng UNTV Cup simula na!

MANILA, Philippines - Muli na namang idinaos ng UNTV – Your Public Service Channel ang pasimula ng ikalawang serye nitong charitable basketball game, ang UNTV Cup Season 2, sa Smart-Araneta Coliseum kagabi.

Bahagi ito ng hindi matatawarang adhikain na ma­katulong sa ating mga kababayang mahihirap.

Sa pagbubukas ng laro, nagtunggali ang Team Senate Defenders at Team HOR–Solons kung saan namayani ang mga manlalaro ng mataas na kapulu­ngan ng Kongreso sa score na 83-72.

Ang UNTV Cup 2 ay isang programa ni Kuya Daniel­ Razon, UNTV CEO, na naglalayong maging daan para sa mga kalahok nito mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno na makapagbigay tulong sa mga charitable institution na kanilang napili.

Matatandaang sa unang serye ng UNTV Cup nagwagi ang Team Judiciary bilang kampeon at ang kanilang salaping premyo ay naibigay naman para sa mga biktima ng lindol sa Bohol, bagyong Yolanda sa Tacloban at ang naging kaguluhang dulot ng Zamboanga Siege.

Sa pagkakataong ito nadagdagan ang mga kalahok sa UNTV Cup na kinabibilangan ng mga koponan mula sa Supreme Court of the Philippines, Department of Justice, Philippine National Police (PNP), PhilHealth, Armed Forces of the Philippines (AFP), Metro Manila­ Development Authority (MMDA), sa pagpasok ng Senate­ of the Philippines at Malacañang Palace.

Ang dating nagsama-samang mga opisyal at ka­wani ng Congress at LGU ay naghiwalay na at nagtatag ng kani-kanilang koponan na House of Representatives (HOR) at Local Government Unit (LGU).

Nagpasalamat naman ang mga bumubuo sa UNTV Cup Season 2 sa mainit at sa walang sawang pagsuporta ng mga tumatangkilik ng UNTV Cup.

Show comments