MANILA, Philippines - Nilusob ng mga militanteng grupong Gabriela ang isang sangay ng Meralco sa Kamuning at nagsagawa ng kilos protesta upang humiÂling ng refund sa mga sobra umanong singil sa mga konsyumer nito noong nakaraang Disyembre.
Bitbit ang iba’t-ibang uri ng plakard, nag-ingay din ang mga militante sa harap ng Meralco sa Kamuning branch na matatagpuan sa Edsa.
Humiga rin ang ilan sa mga militante sa harap ng kompanya kung saan walang nagawa ang mga security guard nito, kahit pilit na sila’y tinataboy.
Giit ng grupo, kailangan umanong sundin ng Meralco ang ibinaba ng Korte SuÂprema na temporary resÂtraining order sa dagdag singil sa Meralco.
“Mainam sana kung kaÂsama sa New Year’s resolution ng Meralco ang paggawa ng mekanismo para agad na ibalik sa mga konÂsyumer ang sobrang ibinaÂyad.
Kung imemenos sa susunod pang mga bill, tiyak na kikita pa ang Meralco,†ayon kay Joms Salvador, secretary general ng GaÂbriela, dagdag pa na “Kapag pabor sa kita nila napakabilis ng Meralco, pero kapag naman sa refund sa mga konsyumer, napakaÂbagal.â€
Nanawagan pa ang grupo sa Korte Suprema na tuluÂyan nang ibasura ang P4.15/kwh dagdag sa generation charge na sinisingil ng MeÂralco dahil napilitan umano itong bumili ng mas mahal na kuryente sa ibang mga planta nang magsagawa ng isang buwang maintenance shutdown ang Malampaya gas field.