^

Metro

Branch ng Meralco, nilusob ng militante

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilusob ng mga militanteng grupong Gabriela ang isang sangay ng Meralco sa Kamuning at nagsagawa ng kilos protesta upang humi­ling ng refund sa mga sobra umanong singil sa mga konsyumer nito noong nakaraang Disyembre.

Bitbit ang iba’t-ibang uri ng plakard, nag-ingay din ang mga militante sa harap ng Meralco sa Kamuning branch na matatagpuan sa Edsa.

Humiga rin ang ilan sa mga militante sa harap ng kompanya kung saan walang nagawa ang mga security guard nito, kahit pilit na sila’y tinataboy.

Giit ng grupo, kailangan umanong sundin ng Meralco ang ibinaba ng Korte Su­prema na temporary res­training order sa dagdag singil sa Meralco.

“Mainam sana kung ka­sama sa New Year’s resolution ng Meralco ang paggawa ng mekanismo para agad na ibalik sa mga kon­syumer ang sobrang ibina­yad.

Kung imemenos sa susunod pang mga bill, tiyak na kikita pa ang Meralco,” ayon kay Joms Salvador, secretary general ng Ga­briela, dagdag pa na “Kapag pabor sa kita nila napakabilis ng Meralco,  pero kapag naman sa refund sa mga konsyumer, napaka­bagal.”

Nanawagan pa ang grupo sa Korte Suprema na tulu­yan nang ibasura ang P4.15/kwh dagdag sa generation charge na sinisingil ng Me­ralco dahil napilitan umano itong bumili ng mas mahal na kuryente sa ibang mga planta nang magsagawa ng isang buwang maintenance shutdown ang Malampaya gas field.

BITBIT

JOMS SALVADOR

KAMUNING

KORTE SU

KORTE SUPREMA

MERALCO

NEW YEAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with