MANILA, Philippines - Hindi na mapigilan ang pagtitinda ng mga sidewalk vendors sa Baclaran kung saan sinakop na halos ang kabuuan ng Redemptorist Road sa tapat ng simbahan sa kabila ng naunang paÂngako ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na kanilang ire-regulate ito ngayong paÂnahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay Our Lady of Perpetual Help national shrine Fr. Victorino Cueto, buong taon na nilang problema ang mga illegal vendors sa tapat ng simbahan na labis na inaalmahan ng kanilang mga deboto na regular na nagsisimba.
Sinabi nito na bahagya silang nagkaroon ng pag-asa nang si Olivarez ang umupo bilang alkalde ng lungsod at posibleng masolusyunan ang problema sa illegal vendors ngunit hindi ito naisakatuparan. Bukod umano sa sidewalk vendors na nakabara sa pasukan sa Simbahan, panganib rin ang talamak na krimen sa labas ng simbahan dahil sa mga mandurukot at snatchers.
Kamakailan sa pulong sa mga mamamahayag, sinabi ni Olivarez na pansamantala nilang binigyan ng “special permit†ang mga vendors para makapagtinda sa mga piling lugar sa Baclaran ngunit hindi sa tapat ng SimbaÂhan. Ito ay makaraang humiÂling ang mga vendors para sa kanilang kabuhayan kung saan sinisingil ang mga ito ng P1,000 kada buwan at P20 kada araw.
Sinabi pa ng alkalde na nasa 970 stalls lamang umano ang kanilang napagbigyan dahil sa kakapusan ng lugar sa kabila na nasa 5,000 vendors umano ang pumupuwesto sa Baclaran. Ikinatwiran nito na ang natitirang higit sa 4,000 vendors ang nagsasagawa ng “guerilla operation†o pumupuwesto kapag walang nanghuhuli lalo na sa gabi.
Ngunit sa impormasyong nakarating kay Cueto, nasa P100 umano ang sinisingil sa bawat vendors bukod pa sa bayad sa permit sa pamahalaang lungsod. Hindi naman nito binanggit kung saan napupunta ang natiÂtirang P80 na sinisingil sa mga vendor.
Bigo rin naman ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makontrol ang mga sidewalk vendors sa Baclaran sa kabila ng paÂngako na paghihigpit upang mapaluwag ang daloy ng trapiko ngayong Disyembre.