MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang barilin sa ulo ng isang lalaki na naÂingayan sa ginagawa nitong pagwawala sa tapat ng bahay ng karelasyong babae, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Nakilala ang nasawi na si Reynaldo Villanueva, 45, may-asawa, at dating naninirahan sa no. 113 Adabte St., Bgy. Tañong, ng naturang lungsod. Agad namang nadakip ng mga otoridad ang suspect na si Franklin HinaniÂban, 26, ng Pinagsabugan, Longos, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Malabon Police, lasing na nagtungo daÂkong alas-10 ng umaga ang biktima sa harap ng bahay ng babaeng karelasyon nito sa Pinagsabugan, Brgy. LoÂngos at nag-umpisang magwala nang hindi siya harapin ng babae.
Nagalit naman ang kapitbahay na si Hinaniban dahil sa nililikhang ingay ng pagwawala ni Villanueva. Nauwi ang pagtatalo sa hamunan ng away hanggang sa lumabas ng kanyang bahay ang suspect na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at agad na paputukan si VillaÂnueva nang malapitan sa ulo.
Nagtangka pa umanong tumakas ng suspect ngunit agad na nasakote ito ng mga rumespondeng pulis at barangay tanod sa isinagawang follow-up operation.