MANILA, Philippines - Naglaan ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng P1 milyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa pamamagitan ng PLDT-Smart Foundation bilang bahagi ng pagpupursigi ng Tulong Kapatid ng MVP Group of Companies na matulungan ang mga biktima ng kalamidad sa Visayas .
Mula noong BiyerÂnes matapos manalasa ang bagyong Yolanda ay nagpadala na ang Maynilad ng 3,000 litrong botelyang tubig-inumin at 1,100 one-gallon jugs ng tubig sa Alagang Kapatid Foundation, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Navy para sa mga biktima ng bagyo.
Ngayong linggo, ang kumÂpanya ay nagpadala ng dagÂdag na 12,000 units ng one-liter bottles, 15,000 one-gallon jugs at 10,000 bottled water sa iba’t ibang public at private organizations.
Sa pakikipagtulungan sa United Nations Children’s Fund (UNICEF), ang MayÂnilad ay nagpadala rin ng mga water engineers sa TacÂloban City para magkaloob ng technical assistance sa water systems na nawasak.