MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuang nakahandusay, nakabalot ng packaging tape ang mukha, may dalawang tama ng bala sa leeg at ulo, nakagapos ang mga kamay patalikod sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Inilarawan ang biktima sa edad na 35-40, may taas na 5’10’’, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo sa dibdib na “Romeo Magleoâ€, nakasuot ng itim na t-shirt na may tatak na Cosac Vodka, jersy shorts na kulay violet na may tatak na Los Angeles Lakers.
Nabatid sa imbestigasyon na dakong alas-8:30 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima sa madilim na bahagi ng Perez St., Ermita, Maynila.
Ilang barangay tanod umano sa Brgy. 674, Zone 73 ang nakarinig din ng mga putok kaya inalam ang pinagmulan nito kung saan nadiskubre ang nasabing katawan ng biktima.