^

Metro

Bebot napagkamalang informer, binoga

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang 28-anyos na babae na napagkamalang police asset ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Veronica Aure, 28,  ng 20 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, naglalakad umano ang biktima nang barilin sa  batok ng suspect na lumabas sa bahagi ng kaliwang mata.

Nabatid na napagkamalan umanong  informer ng pulisya laban sa illegal drugs ang biktima kaya tinangkang itumba ng hindi nakilalang suspect.

Agad na isinugod sa Gat Andres Bonifacio Hos­­pital kung saan siya ay kasalukuyan pa ring gina­gamot. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang pulisya upang malaman ang pagkakakilanlan sa salarin.

AYON

BIKTIMA

GAT ANDRES BONIFACIO HOS

KINILALA

MAYNILA

NABATID

NAGSASAGAWA

PAROLA COMPOUND

VERONICA AURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with