MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang notoryus na drug pusher na sinasabing nagpapakalat ng droga sa Libis, Quezon City makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Better Living Subd. sa Parañaque City, ayon sa ulat kahapon.
Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Isidro Bautista, 32; at Marvin Canto, 40, kapwa nakatira sa naÂsabing lungsod.
“Itong mga suspect natin nagbebenta ng shabu sa Quezon City pero maliit na amount lang. Kapag malaÂkihan na, pinapupunta na nila sa kanilang bahay sa Parañaque City,†pahayag ni P/Senior Insp. Roberto Razon, hepe ng anti-drug unit.
Nabatid na nagkunwaÂring buyer ang isang pulis pero pinilit nina Isidro at Canto na gawin ang transaksyon sa Parañaque City.
Gayon pa man, agad na nakipag-coordinate ang QCPD sa Southern Police District para sa buy-bust operation sa nabanggit na lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang mark money at ang plastic sachet na naglalaman ng 98.89 gramo ng high grade shabu na may street value na P.2 milyon.