MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 64-anÂyos na mister matapos itong magbigti sa loob ng hotel sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Nicodemus dela Cruz Jr., may asawa, ng Block 10, Lot 9, Phase 4, Straus Street, North Olympus SubÂdivision, Barangay KaligaÂyahan, Quezon City.
Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide SecÂÂtion, dakong alas-12:00 nang maÂÂtagpuan ang bangkay ng biktima sa Room 203 ng Century Pension House sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.
Sinabi ng roomboy na si Jimmy Basbas, daÂkong alas-6 ng umaga nang mag-check-in mag-isa ang biktima na may bitbit na balikbayan box.
Sobra na sa oras ang biktima kaya kinatok upang alamin kung mag-e-extend pa ng oras subalÂit walang sumasagot kaya napiÂliÂtang buksan ng ilang roomÂboy.
Dito na bumulaga sa roomboy ang nakabigting biktima sa kisame sa haÂrap ng kama. Narekober naman ang suicide note ng biktima, balikbayan box na naglalaman ng mga personal na gamit kabilang na ang kumot at damit.
Sa cellphone ng biktima, tinawagan ng pulisya ang misis nito na hindi man lamang nabigla sa kaÂnilang ibinalita.
“Wala lang parang hindi naman nabigla ‘yung miÂsis niya, parang galit sa kanya, parang pinalayas ito e, kasi dala niya ang mga gamit may mga damit at kumot pa sa kahon, walang malaking pera kundi P15 sa bulsa,†pahayag ni SPO2 Bautista
“Sagot lang ‘nung misis ‘e sige ho pupuntahan na lang namin bukas,†dagdag pa ni SPO2 Bautista.