MANILA, Philippines - Naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pulis QueÂzon City na hinihinalang sangkot sa iligal na drogaÂ.
Kinilala ni PDEA Director General UnderÂsecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na suspek na si PO3 Nestor Del Rosario, 53.
Ayon sa ulat, si PO3 Del Rosario ay kilalang ‘tulak’ umano ng shabu sa Samonte St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Nabatid sa PDEA na dakong alas-6:00 ng gabi nang ikinasa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA SES) ang search warrant na inilabas ni Hon. Fernando T. Sagun Jr. ng Branch 78, Regional Trial Court sa Quezon City sa bahay ng suspek sa Samonte Street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Matapos salakayin ang bahay nito, nakuha sa pag-iingat ng pulis ang 11 plastic sachets ng shabu, isang kalibre 9mm pistol; isang magazine; 13 bala ng baril at shabu paraphernalias.
Nahaharap sa ngayon si PO3 Del Rosario sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002.