MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ang isang 16 anyos na binatilyo ng isang hindi nakikilalang lalaki na hinahabol nila ng kanyang kabarkada para kotoÂngan sa lungsod Quezon, kahapon ng madaÂling-araw.
Si Mark Stephen Torres, vendor ay nagawa pang maisugod sa ospital ng kanyang mga kaÂibigan pero binawian din ng buhay.
Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Commonwealth Ave., malapit sa panulukan ng Litex Road, Barangay Commonwealth, ganap na alas-3 ng madaling-araw.
Sabi ni Lucila Daniles, saksi sa insidente, bago ang pananaksak, nakita umano niya ang biktima kasama ang isang alyas Athan at isa pang lalaki na tila nasa impluwensya ng alak at nangongotong sa mga dumaraang tao sa lugar.
Kasunod nito, nakita niya ang grupo na may hinahabol na isang hindi nakikilalang tao patuÂngo sa Commonwealth Avenue, at ilang minuto ay bigla na lang bumuwal ang biktima sa kalye at duguan.
Agad namang isinugod ni Athan ang biktima sa East Avenue Medical Center pero makalipas ang alas-5:32 ng umaga ay idineklara rin itong patay.
Sa pagsisiyasat ng awtoridad, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng saksak sa kanang tagiliran na siyang ikinamatay nito.
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.