MANILA, Philippines - Dahil sa hindi makayaÂnang problema sa kanyang misis, isang mister ang nagbigti kahapon sa Caloocan City.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo si Joel ManÂcillia, 32, ng 2nd Avenue ng naturang lungsod.
Lumalabas sa report, dakong alas-12:10 ng tanghali nang makitang nakabigti ng electrical cord ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang nanay na si Leticia, 60 si Joel.
Nabatid na problemado sa kanyang misis ang bikÂtima, subalit hindi na sinabi ng mga kaanak kung ano ito.