Hunyo 22, 2025
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Magiging masaya ang araw kung makakasama ang isang Leo. Malamang makatagpo ang iyong soulmate. Kung may balak mag-abroad, malamang na matuloy kung magiging maagap ka. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 33, 40 at brown.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Suliraning pinansiyal ang bumabagabag subalit kung pagsisikapan, matutugunan dahil may makakatulong. Lucky numbers at co-lor for the day ang 17, 26, 32, 36 at fuchsia.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ngayon mo mapapatunayan kung gaano katotoo ang karma. Kung mabuti ang ginawa, ito rin ang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 17, 27, 38 at cream.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Kung may hindi pagkakaunawaan sa relasyon, nakaamba ang panganib. Gawan agad ito ng solusyon. Lucky numbers at co-lor for the day ang 18, 19, 27, 29 at white.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – May balakid sa mga binabalak, ngunit mapapansin at maitutuwid kung pag-aaralan muna bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ang 14, 24, 34, 39 at aquamarine.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Masayang sasalubungin ang umaga, pero mag-ingat sa makakati ang dila. Lucky numbers at color for the day ang 19, 27, 39, 41 at ocean blue.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makakahanap ka ng magandang solusyon sa suliranin, pero may haharapin na mas malaking problema. Lucky numbers at co-lor for the day ang 13, 22, 37, 43 at red.
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Huwag sarilihin ang balak na magtrabaho sa ibang bansa. Ikunsulta sa mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 19, 23, 24, 31 at violet.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Nakataya ang kinabukasan ng pamilya. Huwag magtiwala sa usapan lamang napagkasunduan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 24, 29, 34 at yellow.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Mahalaga ang kapakanan ng pamilya kaya huwag ipagkait, paglaanan ng panahon.Lucky numbers at color for the day ang 14, 22, 28, 30 at blue.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Hangga’t maaga, iwasan ang masamang impluwensya ng barkada. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 10, 14, 34, 42 at green.
GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Mataas ang pride ng kabilang panig. Walang masama kung ikaw ang magbaba ng pride kung mahal mo siya. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 31, 39 at orange.
- Latest