Pebrero 8, 2025
AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Tatanggap ng parangal sa iyong mga tula na magba-viral sa you tube. Mas inspired ka dahil sa inspiration mo. Marami ang gawain na matatapos dahil kakaibang sigla ang taglay, ang dahilan in love ka. Lucky numbers at color for the day ang 39, 41, 12, 53, 41, at sun yellow.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Sobra ang dikit mo sa reality. Palayain ang kalooban para matama ang sobrang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ang 13, 37, 39, 55, 11, at scarlet red.
ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Masigla ang buhay dahil nariyan ang mga mahal mo. Gaano man karami ang gawain, matatapos ito agad. Lucky numbers at color for the day ang 23, 36, 42, 11, 51, at dollar green.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Matatamo ang takdang panahon para makaahon sa buhay, kung ngayon palang ay pinagsisikapan na ito. Lucky numbers at color for the day ang 33, 56, 29, 15, 51, at tulip pink.
GEMINI: (May. 21-Hun. 21) – Ang advice mula ng taong sisik sa karanasan at may malawak na kaalaman ang magiging gabay sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 43, 39, 36, 12, 21, at vanilla brown.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Tagumpay ang bago product launching. Maraming benta ang bagong design, increasing ang income mo. Lucky numbers at color for the day ang 33, 26, 58, 42, 13, at cyan blue.
LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang masalimuot na situwasyon ay magtutulak sa mataas na determinasyon na umunlad. Lucky numbers at color for the day ang 13, 26, 49, 51, 13, at ivory white.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Suntok sa pride mo ang mangyayari. Sundin ang kutob, harapin ang progressive life para makita ang resulta. Lucky numbers at color for the day ang 26, 36, 58, 43, 11, at mango orange.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Manginginig ang kalamnan sa surpresa tatanggapin. Matutuklasan ang tunay na kakayahan. Lucky numbers at color for the day ang 43, 56, 39, 22, 11, at cherry red.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Iwasan ang magmura. Kailangan ng aura cleansing para mabago ang trend ng buhay mo. Lucky numbers at color for the day ang 53, 26, 39, 45, 15, at cobalt blue.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Huwag mamintas kung ayaw mong mapintasan. Purihin ang kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 53, 39, 45, 13, 11, at pearl white.
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Masaya ang buhay mo sa piniling landas. Magbibilang ka ng iyong mga biyaya. Lucky numbers at color for the day ang 43, 56, 29, 31, 13, at neon green.
- Latest