^

Kutob

Marso 24, 2023

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Matamlay ka dahil kaaalis lang ng mahal mo. Ibaling ang atensiyon sa paglilinis ng bahay at pagsasayaw upang maalis ang depression. Subukan din mamasyal kasama ng pamilya para malibang ka. Lucky number at color for the day ang 17, 19, 31, 41 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Inspired ka ngayon dahil naka-uusap mo ang iyong crush. Mangarap at magsipag. Sa takdang panahon matutupad ang lahat. Lucky number at color for the day ang 3, 13, 35, 44 at carnation pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Maraming hahanga sa nagawa mo sa araw na ito. NGa lang hindi makakaiwas sa iritasyong hatid ng isang pabidang kasamahan. Lucky number at color for the day ang 15, 27, 29, 37 at white.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Meron magmalalasakit sa iyo. Pero ang magiging dating niya sa’yo ay makulit at mahilig makialam, kaya ikaiirata mo ang presensiya niya.   Lucky number at color for the day ang 3, 11, 31, 39 at caramel brown.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Ang iyong mahal ay very thoughtful sa’yo. Makakatanggap ng ng bouquet of red roses kaya magiging masaya. Ingatan ang health. Lucky number at color for the day ang 19, 25, 33, 39 at turquoise blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Ipagpaliban ang paglalakbay lalo na kapag galit, para makaiwas sa aksidente. Minsan, pakinggan din ang payo ng kamag-anak. Lucky number at color for the day ang 10, 34, 31, 39 at tangerine.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Ugaliing gumamit ng mga positive na salita sa iyong pagpaliwanag. Kapag ganito ang iyong ginawa, maaakit ang masuwerte. Lucky number at color for the day ang 21, 29, 37, 41 at ruby red.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ayon sa kasabihan, crisis is where Christ is. Sa araw na ito, turning point ng iyong buhay. Makikilala ang tunay na kaibigan. Lucky number at color for the day ang 13, 22, 27, 39 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kumunsulta sa psychic upang matulungan ka mag- decision sa pag-ibig. Manalangin sa tuwina. Lucky number at color for the day ang 19, 22, 29, 33 at dollar green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Hindi mo maitatago ang sekreto. Harapin ito at maging responsable ka sa iyong mga desisyon. Lucky number at color for the day ang 11, 15, 37, 44 at lavender.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Sobra ang pagmamahal mo sa iyong career. Napapabayaan mo tuloy ang iyong kalusugan. Alalahanin ang iyong health. Lucky number at color for the day ang 3, 11, 37, 40 at canary yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Unawain mo rin ang nagmamahal sa’yo, tao lang din siya na merong limitasyon ang pagpapasensya. Lucky number at color for the day ang 13, 19, 21, 35 ta cherry red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with