Pinapatos ang kasambahay
Dear Dr. Love,
Ubos na pasensya ko sa mister ko na sobra ang init sa katawan, pati katulong sa bahay ay pinagnanasaan.
Dalawang kasambahay na namin ang nagpaalam na umiiyak dahil hinihipuan daw sila ng asawa ko. Inaway ko na nga ang asawa ko sa ugali niyang ito at nangakong hindi na uulit.
Sabi ko sa kanya ‘pag inulit pa niya ay talagang maglalayas ako at magpa-file ako ng annulment. 68-anyos na siya at alam na ng mga anak namin ang pinaggagagawa niya. Hindi siya dating ganyan. Nito na lang tumanda kami na nagkaganyan siya.
Isang madaling araw, nagising ako na wala siya sa tabi ko. Bumaba ako at nang sindihan ko ang ilaw, kita ko ang mga tsinelas niya na nasa malapit sa pintuan ng servant quarter.
Bigla kong binuksan ang pintuan at nakita ko na kinakalantari niya ang maid namin na pumapalag.
Nag-sorry ako sa maid na kinaumagahan ay pinaalis ko na matapos kong ibigay ang buong suweldo.
Nahihirapan ako na walang katulong. Ano ang gagawin ko sa asawa ko na matanda na ay sobra pang malibog?
Petra
Dear Petra,
Huwag ka na lang kumuha ng katulong kung maaari. At kung ‘di mo kaya, kumuha ka ng walang hitsura na hindi pagnanasaan. Kung maaari ay ‘yung may edad na at kulubot na ang balat.
Kapag pinatulan pa iyan ng asawa mo, aba’y manyakis na marahil iyan.
At sa edad n’yo ngayon, alangan namang mag-file ka pa ng annulment.
Kung hindi siya dating ganyan, malamang dinapuan na ng dementia ang asawa mo at bawat babaeng nasa bahay n’yo ay akala niya’y ikaw.
Pabantayan mo na lang lagi ang mga kilos niya.
Dr. Love
- Latest