Simple o engrandeng kasal?
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Loren, 26 anyos at may kasintahan. Wala sana kaming problema sa aming relasyon pero ang hindi namin mapagkasunduan ay kung marangya o simple ang aming kasal.
Gusto sana naming magpakasal na bago matapos ang taon. Ang gusto niya ay simpleng kasalan lang at puro kaanak lang ang imbitado. Pero gusto ko ay engrande. Tutal minsan lang mangyayari ‘yun sa amin. Iginigiit ko ang gusto ko at ito’y aming pinagtalunan.
Afford naman niya dahil mayaman siya.
Kaso sabi niya, kaya siya yumaman ay dahil matipid at masinop siya. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nag-uusap.
Ano gagawin ko?
Loren
Dear Loren,
Masuwerte ka sa asawa mo dahil may pagpapahalaga sa salapi. Tama siya.
Ang kasal ay pareho lang balido kahit simple o engrande. Imbes na gumasta kayo ng milyon sa kasalan, idagdag na lang ninyo ang hala-gang iyan sa kinabukasan ng inyong magiging anak.
Dr. Love
- Latest