Ligaw-tingin
Dear Dr. Love,
Ako po si Herman, only 16 years old. Naiinggit ako sa mga classmates ko na mayroon nang jowa. Sabi ng mga pinsan ko, cute naman daw ako.
Pero torpe ako at hindi marunong manligaw. Hanggang tingin-tingin lang. May classmate ako na crush na crush ko pero ni hindi ko masabihan ng hello. Dinadaan ko na lang sa tingin.
Minsan nga sa classroom habang wala pa ang teacher ay hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Nilapitan ako na mukhang galit at sinabing bastos daw ako.
Namula ako at pinagtawanan ako ng mga classmates ko. Paano po ba ang manligaw?
Herman
Dear Herman,
Nasa high school ka pa lang, kaya huwag mo munang isipin ang panliligaw. Focus ka sa iyong pag-aaral.
Huwag mong kainggitan ‘yung mga kaklase mo na may siyota na dahil abala lang sa pag-aaral ang may karelasyon.
Normal lang sa kagaya mo ang magka-crush pero huwag seryoso. Makipagkaibigan ka muna at bigyang priority ang iyong pag-aaral.
Dr. Love
- Latest