Nawala ang kisig
Dear Dr. Love,
Pleasant greetings! Ako po si Delfin, isang rider. Dati akong habulin ng mga chicks pero matapos ang aksidenteng kinasangkutan ko, wala na sigurong magkakainteres sa akin. Guwapo po ako dahil Filipino-German mestizo po ako.
Pero nang maaksidente ako sa motorcycle, sumubsob ang mukha ko sa basag na salamin at na-disfigure ang aking mukha.
Pati ang jowa ko ay iniwanan na ako because nawala ang kaguwapuhan ko. Two years na akong ganito at may bago na rin akong jowa.
Hindi siya maganda pero siya lang yata ang magkakainteres sa pangit na tulad ko.
Nakakadama na ako ng pagka-depressed. Ano gagawin ko?
Delfin
Dear Delfin,
May mga dumarating na pagbabago sa bawat tao. Minsa’y maganda, minsa’y nagdudulot ng lungkot.
Kung bakit nagaganap ang mga nakalulungkot na bagay ay tanging Diyos lang ang nakakaalam.
Ang mahalaga, nawala man ang iyong kisig, hindi naman ang lakas at kakayahan mong magtrabaho.
Kaya, move on! Hindi man kagandahan ang partner mo, may nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo.
Huwag ka nang magpaka-depressed kundi ipagpatuloy mo ang iyong buhay at maging masaya.
Dr. Love
- Latest