^

Dr. Love

Hanggang kailan magtitiis

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po sa inyo. Tawagin n’yo na lang po akong Maya, 32 years old at isang maybahay. May problema po ako sa aking mister na halos ikahiya ko na sa buong barangay.

Mabuti naman po siyang asawa at ama sa aming dalawang anak, pero may ugali siyang hindi ko na po alam kung paano ko titiisin—ang sobrang pagseselos niya. Kahit simpleng bagay lang, pinalalaki niya at sinisigawan ako kahit dinig ng buong kapitbahayan.

Noong isang araw lang po, may dumaan na nagtitinda ng isda sa labas ng bahay namin. Napadaan ako para bumili at napansin kong kababata ko pala ang nagtitinda. Saglit kaming nagkumustahan, pero hindi po ako nagtagal dahil alam kong hindi gusto ng asawa ko ang matagal akong nakikipag-usap sa ibang lalaki. Pero nang makapasok na ako ng bahay, bigla siyang sumigaw, “Aba! Nakikipaglandian ka na naman sa ibang lalaki! Wala kang delicadeza! Akala mo hindi ko nakikita? Dapat sa ‘yo nakakulong sa bahay!”

Lagi na lang ganito ang nangyayari—kahit sa pamangkin ko, sa kumpare niya, o kahit sa delivery rider lang na nag-abot ng package, nagseselos siya!

Mahal ko po ang asawa ko, pero pagod na po ako na paulit-ulit na pamamahiya at paninisi gayong  wala naman akong ginagawang masama. Ano po ang dapat kong gawin?

Maya

Dear Maya,

Salamat sa iyong sulat. Gusto kong linawin na ang pagseselos ay normal sa isang relasyon, pero kapag ito ay sobra at wala namang sapat na dahilan, nagiging toxic na ito. Hindi lang ito nakakahiya, kundi nakakasira rin ng inyong pagsasama. Ang ugali ng iyong mister ay maaaring bunga ng insecurity, takot, o negatibong karanasan sa nakaraan, pero hindi ito sapat na dahilan para sigawan ka at pagbintangan gayong wala kang ginagawang masama.

Kausapin mo siya nang mahinahon. Ipaliwanag na hindi ka gumagawa ng masama. Minsan, ang selos ay nagmumula sa maling akala. Siguro ay may mga insecurities siya na hindi niya masabi, kaya mahalagang iparamdam mo sa kanya na siya lang ang mahal mo at wala kang ginagawang kalokohan.

Bigyan mo siya ng assurance pero huwag mong hayaang apak-apakan ang dignidad mo. Kung mahal mo siya, ipakita mong wala siyang dapat ipag-alala, pero hindi ibig sabihin ay titiisin mo ang kanyang pananakit sa iyong damdamin. Kailangang maintindihan niya na ang respeto sa isa’t isa ay mas mahalaga kaysa sa kanyang wa-lang basehang hinala.

Isama siya sa counseling o family talk. Kung hindi talaga siya nakikinig, baka mas mainam na humingi kayo ng payo mula sa isang marriage counselor, pari o pastor sa inyong lugar. Minsan, mas madaling makinig ang isang tao kapag may third party na nagbibigay ng neutral na opinyon.

Huwag hayaang maulit ang eksena ng kahihiyan. Maya, ang isang relasyon ay dapat may respeto, tiwala, at pagmamahal. Pag-isipan mong mabuti kung paano mo gustong maayos ang sitwasyong ito. At kung dumating sa puntong hindi na nagbabago ang asawa mo, tanungin mo ang sarili mo kung kaya mo pa itong tiisin habambuhay.

DR. LOVE

MAYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with