^

Dr. Love

Tamang hinala, mali naman

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,
Tawagin na lamang akong Angie.  Isa po akong kasambahay. Maayos naman po noong una ang pakikitungo ng asawa ng amo ko sa’kin. Inaalagaan ko ang dalawang anak nila.
First time ko po pumasok sa pagiging kasambahay. Lahat po ginagawa ko sa bahay nila. Simula sa madaling araw, nag-aasikaso na ako. Talagang pinagbubutihan ko ang aking paglilingkod sa mag-asawa.
Masaya naman sila akin. Lalo na si sir. Gustong gusto niya ang mga luto ko. Sinubukan ko ngang magpaalam noon para lang malaman ko kung nagugustuhan nila ako. Hindi sila pumayag. Bagkus dinagdagan pa ni sir ang sweldo ko. Bukod sa ibinibigay ni madam, nagbibigay pa po si sir ng dagdag sa allowance ko. Hindi ‘yun alam ng misis niya.
Ni hindi ko naramdaman na mapang-abuso si sir. Mas naiinis ako sa misis niya. Tamang duda kasi si madam. Pati ang pagluluto ko pinagseselosan niya.
Ang problema, hindi ko ipinaalam sa kanila na may bf ko. Minsan kapag wala sila ay naglalampungan kami. Hanggang nagbunga ang aming kalokohan.
Nalaman ito ni madam, ang akala niya kay sir ang dinadala kong bata. Kahit na inamin na ng bf ko na siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ko, ayaw maniwala.
Angie
Dear Angie,

‘Yan ang mahirap, alam mo nang selosa ang amo mong babae. Totoo naman na hindi agad-agad maniniwala ‘yun sa mga paliwanag mo, na bf mo ang ama ng ipinagbubuntis mo.
Sana noon palang inisip mo na baka magbunga ang ginagawa ninyo ng bf mo. Mabuti at hindi kayo nahuli ng amo mo, kundi mas magiging malala ang problema mo. Nadamay pa tuloy ang amo mong lalaki.
Kung hindi mabigyan ng solusyon ang pro-blema mo, baka lalo pang lumalala ang sitwasyon ninyo. Kailangan talaga nito ng matinding paliwanag at pakiusapan.
Kung anumang ma-ging kasunduan ninyo ay sundin mo. Kung kinakailangang umalis ka sa kanila ay magpaalam ka ng maayos.
DR. LOVE

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with