^

Dr. Love

Biyuda umibig sa teenager

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay maagang tumigil sa pagtuturo sa high school simula nang mamatay sa heart attack ang mister ko. Magdadalawang taon na nang mangyari yaon. 

Para kasing hindi na ako makapag-concentrate sa pagtuturo dahil masyado akong nasaktan sa pagpanaw ng asawa ko. 45 anyos na ako ngayon at wala kaming naging supling ng asawa ko.

Nang huminto ako sa pagtuturo, palagi akong dinadalaw ng aking favorite student na lalaki, 19 anyos na siya. Dinadamayan niya ako sa aking kalungkutan na parang tunay kong anak.

Once a week ay binibisita ako at laging may dalang makakain tulad ng litsong manok o barbecue. Sana raw bumalik na ako sa pagtuturo para malibang at maalis sa isip ko ang sakit na dulot ng pagkamatay ng mister ko.

Nang sabihin niya na may girlfriend na siya, parang nasaktan ako pero ‘di ko pinahalata. Sinabihan ko lang siya na pag-aaral muna ang asikasuhin.

Attracted ako sa kanya, Dr. Love pero hindi tamang magkarelasyon kami. 

Ano ang dapat kong gawin?

Teacher Beng

Dear Teacher Beng,

Obviously, parang magulang lang ang turing ng dating mong student sa’yo. Nakatataba ng puso iyan. Kung may physical attraction ka sa kanya, ituon mo ang isip mo sa katotohanang para mo lang siyang anak.

Maaaring nangungulila ka lang sa yumao mong asawa. Puwede mong masupil ang damdaming iyan. Ingatan mo na huwag magpakita ng motibo sa kanya at baka siya man ay matukso.

The fact na sinabi niya sa iyo na may girlfriend na siya ay nagpapakitang itinuturing ka niya na isang ina. Pahalagahan mo iyan.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with